For the Filipino Immigrant
To the Immigrant, ito ang mga dapat tandaan at gawin sa inyong mga unang araw. Ito ay nilathala ko sa ating lengwahe (tagalog) para mas maalman.
1. Kasuotan
Alamin ang panahon ng iyong pagdating kung ito ba ay tag-lamig (winter) o tag-lagas (fall) ito ang panahon malamig kailangan may handa kang makapal na pampatung na kasuotan o winter jacket. Kung tag-init naman (summer) o tag-sibol (spring) ay iyong kasuotan mula sa atin (Pilipinas) ay maaring sapat na, ngunit ang pag-sibol kailangan mo pa din magdala ng sweater o jacket dahil maaring manibago ang iyong katawan, dahil iba ang lamig ng panahon.

2. Postal Code
Alamin at wag kakalimutan ang postal code, ito ay napakahalaga sa Canada makalimutan mo man ang iyong address wag lang ito, kaya nito matukoy ang eksaktong mong tirahan. Tandaan ito ay may ganitong pagkakasunod-sunod letra, numero, letra, puwang, numero, letra, at numero.
3. Direksyon
Alamin mo ang apat na direksyon hilaga, timog, silangan, at kanluran (north, south, east and west) dahil sa laki ng Canada ginagamit nila ang mga direksyon karutong ang pangalan ng lugar. Dahil kung pangalan lang at di mo alam ang direksyon nito maaring maligaw ka, maaring mapadpad ka sa kabilang direksyon nito. At sa pag gamit mo ng transportasyon kailangan mo din ito at maging kung ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan.
4. SIN (Social Security Number)
Pagkuha ng SIN, ito ay napakahalaga sa Canada. Ito ay nagsisilbing pagkakilanlan mo. Ito ay iapply mo sa pinakamalapit na Canada Service sa inyong lugar. Sa ibang lugar makukuha mo agad ang iyong SIN, ngunit may pagkakataon ipinadadala sa inyo tinutuluyan ngunit makukuha mo na naman ang numero nito para sa iyong paghahanap ng trabaho. Magagamit mo ito sa pag-apply mo sa pagbukas ng account sa bangko, ito ay naglalaman ng bagay na tungkol sayo kaya ito ay di maaring ipakita kung kani-kanino lamang,may mga ilang sanggay lamang ng gobyerno ang maaring humingi ng numero ng iyong SIN o iyong empleyado.
http://www.servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin/
5. Bangko
Pagkatapos mo kumuha ng SIN o ang pag-aapply,maari ka na magbukas ng account sa bangko para sa.. pag-iipon di ba. Pero bukod dun,ito din ay gagamitin mo pag ikaw ay may trabaho ka na, karamihan ng kompanya, dito nila dinidiresto ang iyong sahod. At Debit Card ang paipapayo ko, dahil ito ay maari mo din magamit itong pangbayad gamit ang card para di ka na mahirapan mag-withdraw pa, gaya din ito ng credit card ngunit sympre kailangan may laman ito bago mo gamitin. At kailangan mo din itong account mo sa bangko sa pagdating ng pera mo galing gobyerno, un mga tax.
6. Neighborhood Office
Para sa iba di daw mahalaga ang pagpunta dito, ngunit palagay ko ito ay mahalaga. Para malaman mo kung anu-ano pa ang kailangan mo ayusin o gawin. Maaring makita mo ang iba, sa internet ngunit mas maganda pa din humingi ng tulong at payo. Matutulungan ka nila sa pagfile ng tax return, kung saang estado ka kabilang sa pagfile ng tax kung ikaw ba ay single, may asawa ngunit wala pang anak, may asawa at anak, o may anak ngunit walang asawa, pagtanggap ng mga benepisyo katulad ng Child tax benefit, Universal Child Care benefit at GST/HST(goods and service tax/harmonized sale tax), paghahanap ng eskuwelahan para sa mga estudyante, paghahanap ng trabaho at kung ano pang bagay na dapat mo malaman, ayusin at gawin para sa inyong pamumuhay sa kanilang bansa.

Di ka agad makaka-aapply nito, depende kung saan territorya ka ng Canada (pinili ko Ontario card/ OHIP kasi nasa Ontario ko hehe) sa ibang lugar maari ka mag-apply at kumuha nito, pero sa iba kailangan mo pa hintayin ang PR Card(Permanent Resident) mo na minsan umaabot ng buwan, meron naman iba pwde ka ng mag-apply ngunit di mo pa ito makukuha. Napakahalaga din nito. Ito ang magbibigay sayo ng benepisyong libre, libre sa hospital, doktor, check-up o mga bakuna. Kaya kailangan kumuha ka nito. Makakapag-aapply ka nito sa Canada Service din.
8. Cellphone
Ito naman ay di agad kailangan, ngunit kakailanganin mo ng contact number para kung ikaw ay tatawagan ng mga nag-aayos ng iyong dokumento, o ikaw ay maghahanap ng trabaho kailangan mo ng "contact info".
9. Transportasyon
Kailangan mo alamin din ang mga gagamitin mo transportasyon. Dahil di tulad sa atin (Pilipinas) na may iba't- ibang transportasyon. Sa Canada ang kadalasan meron lang ay bus, tren at street bus.
10. Stop
Pagkatapos mo malaman ang iyong transportasyon, kailangan mo din malaman ang hihinto ng iyong pupuntahan, kung saan bus stop o istasyon malapit ang iyong pupuntahan. Dahil di ka maaring pumara kung saan lugar mo nais.
Ayan ang 10 sa mahahalagang bagay na dapat mo malaman sa unang mga araw mo sa Canada, sana ay nakatulong.
Maligayang pagdating kababayan!